--Ads--

Ituturing na “act of war” laban sa Pilipinas ang paggamit ng puwersa laban sa BRP Sierra Madre, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Teodoro na ang anumang pagtatangka o insidente laban sa barkong pandigma ng Pilipinas na gumamit ng puwersa ay maituturing na opensiba laban sa bansa.

Gayunman, nilinaw ni Teodoro na magkaiba ang “act of war” at ang deklarasyon ng estado ng digmaan o “state of war.”

Ayon sa kalihim, tanging ang Kongreso ng Pilipinas ang may pinal na kapangyarihang magpasya sa pagkakaroon ng estado ng digmaan.

--Ads--

Tinanong si Teodoro kung dapat bang baguhin ang Rules of Engagement para sa mga tauhan ng BRP Sierra Madre upang maiwasan ang posibleng pag-akyat o pagpasok ng mga Chinese sa barko.