--Ads--

Iniimbestigahan na ng Schools Division Office ng Isabela ang naganap na fund raising sa Raniag Elementary School sa Ramon Isabela.

Ito ay may kaugnayan sa ipina-bombo ng isang magulang kaugnay sa pagbebenta ng ticket ng naturang paaralan para sa pagsasaayos ng school’s stage.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Henedino Joseph Eduarte Jr. ng SDO Isabela, iginiit niyang mahigpit na ipinagbabawal ang fund raising sa mga paaralan sa ilalim ng “No Collection Policy” ng DepEd.

Aniya, walang natanggap na request ang kanilang tanggapan kaugnay sa naturang fund raising at kung sakali man na mayroon silang matanggap, mariin niyang iginiit na hindi nila ito papayagan sapagkat labag ito sa polisiya ng kagawaran.

--Ads--

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa nabanggit na paaralan, School Parent-Teacher Association (SPTA) umano ang nag-initiate ng pangangalap ng pondo subalit nilinaw ni Atty. Eduarte na maging ang naturang asosasyon ay sakop ng “No Collection Policy.”

Ang naturang polisiya ay naka-base aniya sa konstitusyon na nagsasaad na ang pag-aaral sa grade school ay libre at wala dapat gastusin ang mga magulang na nagpapaaral ng elementarya at sekondarya.

Bagama’t nakasaad sa omnibus rules ng PTA na maaari silang magsagawa ng fund raising para sa pagpapatayo ng mga buildings, dapat ito ay hindi umano sapilitan.

Ayon kay Atty. Eduarte, maraming pwedeng pagkunan ng pondo sa pagsasaayos ng mga gusali o struktura sa paaralan gaya na lamang ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at sa iba pang paraan na hindi ipinagbabawal sa rules and regulation ng ahensya.

Kung mapatutunayan na may paglabag ang isang paaralan kaugnay sa naturang polisiya ay maaaring mapatawan ng kasong administratibo ang mga