--Ads--

Nakatakdang magtagisan ng husay ang mga pinakamahusay na surfers sa mundo sa Cloud 9, Siargao, sa kauna-unahang World Surf League (WSL) Philippines Pro Championship Tour mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 8.

Pangungunahan ng World No. 1 na si Yago Dora ng Brazil ang men’s division, kasama ang mga dating world champion na sina Gabriel Medina at Italo Ferreira.

Ayon sa Philippine Sports Commission, makasaysayan ang pagho-host ng bansa sa prestihiyosong kompetisyon na inaasahang magbibigay-inspirasyon sa mga lokal na atleta at magpapakilala sa mga alon ng Pilipinas sa buong mundo.