--Ads--

Naubos na umano ang stock ng imported na bigas sa pamilihang panlungsod ng Cauayan City matapos ang halos dalawang linggong walang natatanggap na bagong delivery ang mga tindahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reymundo Diaz, isang trabahador sa palengke, sinabi nitong halos dalawang linggo nang walang supply ng imported na bigas mula sa kanilang mga supplier.

Ayon kay Diaz, ipinapaalam naman sa kanila ng mga supplier kapag walang maihahatid na bagong stock.

Dahil dito, lokal na bigas muna ang pinagpipilian ng mga mamimili, kabilang ang mga produktong nagmumula sa mga bayan ng Cabatuan, Luna at Benito Soliven.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa ₱38 hanggang ₱45 kada kilo ang presyo ng special local rice, habang umaabot naman sa ₱60 kada kilo ang ilang uri ng bigas na nagmumula sa ibang lugar.