Posibleng magpatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng emergency interest rate hike sa 6% upang pigilan ang patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar.
Ayon kay Emilio Neri Jr., chief economist ng Bank of the Philippine Islands, lumalaki ang posibilidad ng karagdagang 50-basis-point hike sa isang espesyal na pagpupulong kung magpapatuloy ang mabilis na pagbaba ng halaga ng piso.
Gayunman, sinabi ni Domini Velasquez, chief economist ng China Banking Corp., na maaaring hindi sapat ang panibagong rate hike upang mapatatag ang piso, gaya ng nangyari matapos ang sorpresang 50-basis-point hike noong Oktubre 22.
Samantala, inaasahang patuloy na tataas ang inflation sa mga susunod na buwan, na posibleng umabot sa halos walong porsiyento sa Oktubre at Nobyembre.











