--Ads--
Handa muling tumestigo si Transportation Secretary Vince Dizon sa mga susunod na pagdinig kaugnay ng flood control scandal, kabilang ang kasong kinakaharap ng dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ayon kay Dizon, susundin niya ang mga kahilingan ng Office of the Ombudsman upang makatulong sa pagpapatuloy ng mga kasong isinampa laban sa mga personalidad na umano’y sangkot sa anomalya sa mga flood control project.
Huling tumestigo si Dizon noong Setyembre 23 sa graft case laban kay Co kaugnay ng umano’y iregularidad sa P289.4 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Personal ding siniyasat ni Dizon ang proyekto at sinabi niyang substandard ang mga ginamit na sheet pile.
--Ads--











