Masigla at puno ng buhay ang paggunita ng All Saint’s Day o Todos Los Santos sa bansang Spain.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Eva Tinaza, Oktubre 31 pa lamang ay nagisisimula na ang mga holloween celebrations sa naturang bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng costume party.
Ang mga kalahok na residente ay nagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan at maskara bilang bahagi ng kanilang tradisyon.
Itinuturing din na Holiday ang Nobyembre 1 at 2 upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na dalawin at mag-alay ng bulaklak sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Nagkakaroon din aniya ng salu-salo ang mga pamilya sa Spain subalit walang espesyal na mga pagkain na inihahanda hindi gaya sa Pilipinas na hindi nawawala ang kakanin tuwing Undas.
Wala rin aniyang nag-aalay ng mga pagkain sa sementeryo.











