--Ads--

Naging mapayapa at ligtas ang paggunita ng Undas sa lalawigan ng Quirino, ayon sa mga awtoridad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. James Pascual, Public Information Officer ng Quirino Police Provincial Office, sinabi nitong itinaas ng kanilang hanay antas ng paghahanda upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Simula Oktubre 28 ay nagsimula na silang mag-deploy ng personnel sa nasasakupan nilang 23 sementeryo, 6 pook sambahan, 16 major thoroughfares, 2 bus terminals, at 11 tourist spots. Maliban dito ay naglatag din sila ng 14 checkpoints.

Ang mapayapang pagdaraos ng Undas ay bunga aniya ng pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa mga local government units, at iba pang concerned agencies gayundin ang, pakikipag-tulungan ng mga residente sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na alituntunin.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Pascual, walang naitalang untoward incidents sa lalawigan ng Quirino na direktang may kaugnayan sa Undas.

Gayunman, mayroon aniyang magkakahiwalay na insidente na naitala sa panahon ng Undas kabilang na rito ang theft o pagnanakaw ng panabong na manok na naitala sa bayan ng Nagtipunan; vehicular accident sa bayan ng Diffun na kinasangkutan ng mga indibidwal na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin; at stabbing incident sa na nangyari sa bayan ng Cabarroguis.