Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pamilyang apektado ng tagtuyot o El Niño sa anim na rehiyon sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Disaster Response Management as of 6:00 ng gabi nitong Nobyembre 3, umabot na sa mahigit 190,000 pamilya o katumbas ng halos 490,000 indibidwal ang naapektuhan ng tagtuyot.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mahigit 2,000 barangay sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, SOCCSKSARGEN at CARAGA.
Umabot naman sa mahigit P180 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng ahensya, habang mayroon pa itong mahigit P4 bilyong nakalaang pondo para sa posibleng karagdagang ayuda.
Samantala, wala pang naitatalang evacuees dahil sa epekto ng tagtuyot sa mga nabanggit na rehiyon.











