--Ads--

Tinamaan ng cyberattacks ang ilang regional blood bank sa France noong Nobyembre 2, ayon sa French Health Ministry, ngunit tiniyak na walang nasirang suplay ng dugo na nakaimbak sa mga naturang pasilidad.

Ayon sa pahayag ng ministeryo nitong Miyerkules, naapektuhan ng insidente ang ilang monitoring at control system ng mga cold storage room ng French Blood Establishment (EFS).

Gayunman, agad na nakontrol ang sitwasyon at patuloy itong minomonitor ng mga kinauukulan.

Napanatiling ligtas ang mga nakaimbak na suplay ng dugo dahil sa gumaganang monitoring at alarm systems ng mga pasilidad, gayundin sa mga agarang pag-iingat na ipinatupad matapos matukoy ang cyberattack.

--Ads--

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang paraan ng pag-atake, lawak ng pinsala sa mga kagamitan at kung kailan ligtas na maibabalik sa normal na operasyon ang mga naapektuhang sistema.

Nangyari ito kasunod ng magkakasunod na cyberattack sa mga supermarket sa walong bansa sa Europe, kung saan napilitang itapon ang malaking volume ng mga pagkain matapos pakialaman ng mga hacker ang kanilang refrigeration systems.