Kapwa nag-ulat ang Russia at Ukraine ng cyberattack sa kanilang emergency alert applications na ginagamit upang magbabala sa publiko laban sa mga posibleng pag-atake.
Ayon sa Russian Emergencies Ministry, nagdulot ng malawakang cyberattack ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa kanilang application na nagbibigay-babala laban sa drone attacks.
Samantala, iniulat ng Ukrainian Air Force na nakatanggap ang ilang gumagamit ng kanilang air raid alert app ng pekeng babala tungkol sa nuclear at chemical threats sa Kyiv, gayundin sa posibleng labanan sa mga lansangan.
Kabilang din sa maling impormasyon ang umano’y paglulunsad ng Russia ng hypersonic Oreshnik missile, na agad namang itinanggi ng Ukrainian Air Force.
Hindi pa tinukoy ng Russia kung sino ang nasa likod ng cyberattack, habang sinisi naman ng Ukraine ang Moscow sa pag-hack sa kanilang application.











