--Ads--

Nagsagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang mga paaralan sa Lungsod ng Cauayan bilang paghahanda sa posibleng lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jayvie Agraan, Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Coordinator ng Cauayan City Standalone Senior High School (CCSASH), sinabi nitong naging matagumpay ang drill dahil sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral, guro at kawani.

Ayon kay Agraan, isinasagawa ang earthquake drill kada kuwarter o apat na beses sa isang taon upang masanay ang mga mag-aaral at personnel sa tamang pagresponde, pagsunod sa mga protocol at ligtas na paglikas sa panahon ng lindol.

Binigyang-diin din niya ang papel ng kanilang mga young rescuers na may kanya-kanyang komite at responsibilidad upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang sa panahon ng sakuna.

--Ads--

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan at kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng kaligtasan at sama-samang pagtutulungan sa oras ng sakuna.