--Ads--

Inilipat na si dating House Speaker Martin Romualdez mula sa infirmary patungo sa regular jail cell na dating inokupahan ni dating Senador Bong Revilla sa Quezon City Male Dormitory.

Ayon kay Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion, isinagawa ang paglilipat tatlong linggo matapos maipasok si Romualdez sa naturang kulungan.

Matatandaang una siyang inilagay sa infirmary kasunod ng rekomendasyon ng mga doktor ng Philippine General Hospital upang mabantayan ang kaniyang kalagayan.

Samantala, ipinatawag ng Sandiganbayan ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology upang magpaliwanag hinggil sa detention status ni Romualdez, kasunod ng mga ulat na nakalalabas umano ito ng kulungan nang walang pahintulot.

--Ads--

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.4-bilyong kickbacks mula sa mga flood control project.