Pinayagan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Leyte Representative Martin Romualdez na magkaroon ng personal staff na mananatili sa loob ng detention facility upang tumulong sa kaniyang mga personal na pangangailangan.
Sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division, sinabi ni BJMP Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion na ipinagkaloob ang naturang arrangement simula Setyembre 14 batay sa humanitarian grounds at case-to-case basis.
Paliwanag ni Pacion, hindi kayang magbigay ng mga tauhan ng BJMP ng 24-hour assistance para sa lahat ng personal na pangangailangan ni Romualdez.
Idinagdag din niya na batay sa kaniyang assessment, hindi pa umano stable ang mental state ng kongresista.
Matatandaang kasalukuyang nakadetine si Romualdez sa Quezon City Male Dormitory kaugnay ng kasong plunder na may kinalaman sa umano’y iregularidad sa mga flood control project.











