--Ads--

Matapos ang tagumpay ng digital show na Ice Sings!, dadalhin ni Ice Seguerra sa Music Museum ang kaniyang mga interpretasyon ng mga sikat na awitin sa pamamagitan ng Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits sa Nobyembre 6 at 7.

Ayon kay Liza Diño, asawa ni Ice at creator at producer ng show, layunin nitong maipakita ang kakayahan ng singer bilang isang storyteller na nagbibigay ng bagong emosyon at kahulugan sa mga pamilyar na kanta.

Sa digital show, malayang pumipili si Ice ng mga awiting nais niyang kantahin, anuman ang genre, at binibigyan ang mga ito ng sarili niyang estilo.

Kabilang sa mga awiting nakakuha ng positibong reaksyon mula sa mga manonood ang Part of Your World, I Dreamed a Dream at I Don’t Know How to Love Him.

--Ads--

Ang nalalapit na concert ang simula ng mas malawak na serye na inaasahang magtatampok din ng love songs, movie soundtracks at musical standards.

Gaganapin ang concert sa Music Museum sa Nobyembre 6 at 7, 2026, ganap na alas-8 ng gabi.