--Ads--

Kinumpirma ng isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na may kakulangan sa recording capacity ng CCTV surveillance system sa kanilang detention facility, na nag-iiwan umano ng daan-daang blind spots.

Sa pagharap ni Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion sa Sandiganbayan Third Division, sinabi nitong nasa 420 ang CCTV cameras sa pasilidad, subalit kulang ang mga decoder na kinakailangan upang sabay-sabay na mairekord ang footage ng lahat ng camera.

Dahil dito, may ilang camera feed na hindi naitatala. Dagdag pa ni Pacion, iisa lamang ang personnel na nakatalaga sa pagmomonitor ng CCTV cameras sa bawat walong oras na shift dahil sa kakulangan ng tauhan.

Tiniyak naman niyang hindi dapat pinapatay ang mga CCTV camera at walang awtoridad ang mga personnel na magbura ng anumang footage.

--Ads--

Dahil dito, ipatatawag ni Associate Justice Karl Miranda ang mga personnel ng Information and Communications Technology (ICT) upang linawin ang recording capacity ng CCTV system ng pasilidad.