--Ads--

Nilinaw ni Nueva Vizcaya Governor Jose Gambito na wala pang naitatalang malawakang epekto ng El Niño sa lalawigan sa kabila ng pahayag ng Malacañang na kabilang ang probinsya sa mga lugar na apektado ng naturang weather phenomenon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Jose Gambito, sinabi nitong wala pa silang natatanggap na ulat ng pinsala sa mga pananim o malawakang kakulangan sa tubig, bagama’t may isang lugar na nakapagtala ng pagbaba ng water level at paghina ng suplay mula sa mga balon.

Gayunman, inihahanda na ng provincial government ang mga hakbang upang mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño, kabilang ang pagbili ng solar-powered water pumps na nagkakahalaga ng P15 hanggang P20 milyon at paghahanda ng P15 milyong emergency fund.

Dalawang linggo na rin umanong nakalipas nang iutos ni Gambito ang pagbili ng drilling machines para sa pagtatayo ng deep wells bilang karagdagang suplay ng tubig sa oras ng pangangailangan.

--Ads--

Ayon sa gobernador, mas posibleng maapektuhan ng El Niño ang mga magsasaka ng palay, habang may mas maayos na pinagkukunan ng tubig ang maraming vegetable farms sa kabundukan dahil sa mga natural spring.

Patuloy rin nilang minomonitor ang water level ng Magat Dam at mga ilog na pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon.

Wala pa umanong hinihinging tulong ang lalawigan sa national government, subalit nakipag-ugnayan na sila sa Department of Agriculture Region 2 na nangakong magbibigay ng suporta kung kinakailangan.

Tiniyak naman ni Gambito na nakahanda ang Nueva Vizcaya upang tugunan