--Ads--

Bumaba ang presyo ng ilang uri ng gulay sa pamilihan ng Cauayan City ngayong Nobyembre, kasunod ng pagdami ng supply mula sa mga pangunahing pinagkukunan nito sa Isabela.

Mula sa dating ₱60 kada kilo, nasa ₱15 na lamang ang sitaw, habang ang palay ay bumaba mula ₱80 hanggang ₱100 at ngayo’y nasa ₱40 hanggang ₱50 kada kilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Neneng Evangelista, tindera ng gulay sa lungsod, sinabi nitong dulot ito ng sabay-sabay na pagtatanim at pag-aani ng mga magsasaka sa Forest Region ng Cauayan City at Aurora, Isabela.

Sa kasalukuyan, nasa ₱20 kada kilo ang ubod, ₱40 hanggang ₱50 ang talong at patola, at ₱50 hanggang ₱60 ang sili at palang-ang. Samantala, nananatiling mataas ang presyo ng kamatis na nasa ₱80 hanggang ₱100 kada kilo.

--Ads--

Ayon kay Evangelista, nakatutulong ang pagdami ng supply upang maging mas abot-kaya ang presyo ng mga gulay para sa mga mamimili.

Patuloy namang binabantayan ang magiging galaw ng presyo ng mga gulay sa mga susunod na araw.