--Ads--
Magsasagawa ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) ang Land Transportation Office (LTO) Santiago Extension Office sa Nobyembre 20 hanggang 21, 2026, sa Community Center sa Cordon, Isabela.
Magsisimula ang pagsasanay sa alas-8 ng umaga upang matulungan ang mga kukuha ng student permit na makumpleto ang kinakailangang driving instruction nang walang bayad.
Samantala, pinaalalahanan ni Dennis Buendia, Officer-in-Charge ng LTO Santiago Office, ang mga motorista na sundin ang batas-trapiko, iwasan ang overspeeding at pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak, at tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang aksidente.









