--Ads--
Nagbitiw sa puwesto si Paraguayan President Santiago Peña nitong Huwebes, Nobyembre 5, matapos ang lumalakas na panawagan para sa kaniyang impeachment kaugnay ng pagbagsak ng digital bank na Ueno.
Nawalan ng access sa kanilang accounts ang tinatayang tatlong milyong kliyente matapos itong pangasiwaan ng central bank dahil sa paglabag sa minimum solvency requirements.
Nahaharap din si Peña sa mga alegasyon ng conflict of interest at maling paggamit ng pension funds.
Samantala, nakatakdang humalili sa kaniya si Vice President Pedro Alliana.
--Ads--





