--Ads--
Nagbabala si United States President Donald Trump na posibleng wasakin pa ng Amerika ang nalalabing bahagi ng Iran, na maaaring abutin ng 25 taon bago muling maitayo.
Sinabi ni Trump na malalaman sa lalong madaling panahon kung magpapasya siyang muling maglunsad ng pag-atake laban sa naturang bansa.
Samantala, iniulat na nagsumite ang Iran ng panukala kaugnay ng nuclear program nito sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga tagapamagitan mula Qatar. Kasalukuyan itong sinusuri ng Washington.
Gayunman, naghihintay ang Tehran na matugunan muna ng Amerika ang pitong kahilingan nito bago magpatuloy sa negosasyon.
--Ads--
Patuloy ang pagsisikap na makabuo ng kasunduan upang maiwasan ang muling pagsiklab ng labanan sa pagitan ng dalawang bansa.











