Bumagsak ng limang bahagdan ang halaga ng produksyon ng agrikultura at pangisdaan sa bansa noong ikatlong quarter ng 2026, ang pinakamababang naitala sa loob ng 11 taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa datos ng PSA, umabot lamang sa ₱389.42 bilyon ang halaga ng produksiyon mula Hulyo hanggang Setyembre, mula sa ₱410.04 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pangunahing dahilan ng pagbaba ang siyam na bahagdang pag-urong sa crop production, partikular sa palay na bumagsak ng 18%, gayundin ang 8.5% pagbaba sa fisheries production. Iniugnay ito sa masamang lagay ng panahon, pagbaha dulot ng habagat at pagtaas ng presyo ng fertilizer at iba pang farm inputs.
Samantala, nagtala naman ng paglago ang poultry at livestock production sa 1.1 at 4.9%.
Dahil sa inaasahang malakas na El Niño sa ikaapat na quarter, naghahanda ang Department of Agriculture ng ₱62-bilyong mitigation plan upang maprotektahan ang produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka.











