--Ads--

Nilinaw ni BJMP Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion na hindi binibigyan ng special access sa Payatas facility ang personal assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez na si Arvin de Guzman, sa kabila ng pag-apruba niya sa kahilingang maging on-call ito 24/7.

Ayon kay Pacion, pinapayagan lamang makapasok si De Guzman sa pasilidad tuwing regular visiting hours, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Giit nito, nananatili sa labas ng BJMP premises ang personal assistant habang naka-on-call at hindi binibigyan ng pahintulot na pumasok anumang oras.

Naging usapin ang naturang arrangement matapos kuwestiyunin ang pagkakaroon ni Romualdez ng personal assistant habang nasa kustodiya ng BJMP.

--Ads--

Dahil dito, ipinag-utos ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagsusumite ng paliwanag hinggil sa pag-apruba sa naturang kahilingan, kabilang ang legal at administratibong batayan nito.