--Ads--
Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng hindi bababa sa 500 piraso ng impormasyon kaugnay ng manhunt laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Nartatez na dumaan sa validation ang mga impormasyon at pinuntahan ng mga operatiba ang mga lokasyon para magsagawa ng operasyon.
Ayon pa sa PNP chief, nagmula ang mga impormasyon sa iba’t ibang lugar sa Western at Eastern Mindanao, Visayas, Southern Tagalog at Northern at Central Luzon.
Nagpapatuloy rin aniya ang manhunt operations ng PNP laban sa iba pang high-profile na indibidwal, kabilang sina Zaldy Co, Atong Ang at Gerald Bantag.
--Ads--











