--Ads--

Pumanaw na sa edad na 110 ang kinikilalang pinakamatandang Pilipino na si Genoveva Ferma Garcia, o mas kilala sa tawag na “Lola Bebang,” na naninirahan sa Mendez-Nuñez, Cavite.

Kinumpirma ni Mendez-Nuñez Mayor Cocoy Mendoza ang pagpanaw ni Lola Bebang at nagpahayag ng pakikiramay sa naulilang pamilya.

Isinilang noong Enero 3, 1916, nasaksihan ni Lola Bebang ang mahigit isang siglong pagbabago sa bansa at sa buong mundo.

Naiwan niya ang siyam na anak, siyam na apo at apat na apo sa tuhod, gayundin ang alaala ng kaniyang simpleng pamumuhay na nakaugat sa pagmamahal sa pamilya, pananampalataya at malasakit sa kapwa.

--Ads--

Ayon kay Mayor Mendoza, isang malaking karangalan para sa bayan ng Mendez-Nuñez na naging bahagi ng kasaysayan nito si Lola Bebang, na mananatiling aalalahanin ng kaniyang mga kababayan.