--Ads--
Nakapag-uwi ng silver medal si Naomi Cesar para sa Pilipinas sa ginaganap na Dakar Youth Olympic Games matapos magtala ng oras na 2 minutes at 9.34 seconds sa women’s 800-meter final.
Ito ang kauna-unahang medalya ng bansa sa nasabing kompetisyon sa Dakar.
Nasungkit naman ni Netsanet Selemon ng Ethiopia ang gold medal matapos magtala ng 2 minutes at 4.43 seconds, habang bronze medalist si Khadja Elmostaqim ng Morocco na nagtala ng 2 minutes at 10.05 seconds.
Ang silver medal ni Cesar ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Youth Olympics, kasunod ng bronze medal na naiuwi ni kiteboarder Christian Tio noong 2018.
--Ads--











