Kinumpirma ng Amazon MGM Studios na ang British actor na si Robert Pattinson ang bagong gaganap bilang James Bond o 007 sa ika-26 na pelikula ng franchise na nakatakdang ipalabas sa 2028.
Sa edad na 40, si Pattinson ang magiging ikapitong aktor na gaganap bilang sikat na fictional British spy, na papalit kay Daniel Craig na huling lumabas sa pelikulang No Time To Die noong 2021.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pattinson na isang malaking karangalan ang pagkakapili sa kaniya bilang bagong 007 at sabik na siyang simulan ang proyekto.
Si Denis Villeneuve ang magdidirect ng pelikula, habang si Steven Knight ang magsusulat ng screenplay. Hindi pa inilalabas ang opisyal na pamagat at eksaktong petsa ng pagpapalabas nito.
Nakilala si Pattinson sa Harry Potter, Twilight at The Batman.





