--Ads--
Bahagyang nakabawi ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) nitong Martes matapos umakyat ng 19 puntos o 0.35 percent sa 5,500.88.
Nakatulong sa pag-angat ng merkado ang pagbili ng mga investor sa shares na bumaba ang presyo kasunod ng mga nakaraang pagkalugi.
Gayunman, nananatili ang pangamba ng mga investor dahil sa mabagal na ekonomiya at patuloy na inflationary pressures.
Umabot sa P6.485 billion ang halaga ng mga naipagpalitang shares, habang mas marami ang bumabang stocks kaysa sa mga tumaas.
--Ads--










