--Ads--

Nagluluksa ngayon ang international singer na si Bruno Mars sa pagpanaw ng kaniyang amang si Peter Hernandez, sa edad na 74.

Kinumpirma mismo ng singer ang pagpanaw ng kaniyang ama sa pamamagitan ng isang social media post nitong Huwebes, kung saan ibinahagi niya ang ilang personal na larawan at alaala ng kanilang pamilya.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Bruno na nagkaroon pa siya ng pagkakataong mayakap sa huling pagkakataon ang kaniyang ama noong nakaraang linggo.

Ayon sa singer, ang kaniyang ama ang nagturo sa kaniya ng lahat ng kaniyang nalalaman, lalo na pagdating sa musika.

--Ads--

Ibinahagi rin ni Bruno na pinalaki ng kaniyang ama ang kanilang magkakapatid, kabilang ang kaniyang apat na kapatid na babae at isang kapatid na lalaki.

Inilarawan pa niya ang kaniyang ama bilang pinakadakilang ama sa buong mundo at sinabing hinding-hindi niya ito malilimutan.