--Ads--

Mariing pinabulaanan ni Ruffa Gutierrez ang kumakalat na maling balita tungkol sa umano’y pagpanaw ng kaniyang inang si Annabelle Rama.

Sa kaniyang social media post, hinimok ni Ruffa ang mga content creator na gamitin nang responsable ang kanilang mga platform sa pagpapalaganap ng tama at positibong impormasyon sa halip na maling balita at paninira para lamang makakuha ng views at engagement.

Tiniyak din ng aktres na buhay at nasa mabuting kalagayan ang kaniyang ina, kasabay ng panawagan na maging mas maingat sa pagbabahagi ng mga impormasyon dahil may mga pamilyang naaapektuhan ng mga ganitong usapin.

Binigyang-diin ni Ruffa na dapat piliin ang katotohanan kaysa sa mga walang basehang usap-usapan, lalo na sa panahon ngayon na ginagamit ng ilan ang clickbait upang makahikayat ng mas maraming manonood at kumita sa social media.

--Ads--