--Ads--

Bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng mahigit anim na taon ang Philippine Stock Exchange index o PSEi matapos mawalan ng 33.93 points o 0.62 percent upang magsara sa 5,477.91 nitong Huwebes.

Ito na ang pinakamababang closing level ng PSEi mula Abril 27, 2020, sa kasagsagan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa mga market analyst, nakaapekto sa local stock market ang kawalan ng bagong positibong balita sa ekonomiya at paghina rin ng mga stock market sa rehiyon, partikular sa mga kumpanyang may kaugnayan sa artificial intelligence at semiconductors.

Pawang nagtala ng pagkalugi ang halos lahat ng sektor, kung saan pinakamalaki ang ibinagsak ng mining and oil sector na umabot sa 2.69 percent.

--Ads--

Samantala, mas marami ang mga stock na bumaba ang halaga kumpara sa mga tumaas, habang umabot sa ₱6.36 billion ang kabuuang halaga ng mga naipagpalitang shares.