--Ads--

Napasama ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa mga nominado para sa 2026 Women’s Tennis Association (WTA) Most Improved Player of the Year award.

Kabilang sa mga naging batayan ng nominasyon ang una niyang Tour-level title sa Washington, D.C., pag-abot sa fourth round ng Wimbledon at pagtatapos ng taon sa career-best ranking na world No. 15.

Nagtala rin si Eala ng semifinal finishes sa Berlin Open at ASB Classic, pitong panalo kontra sa Top 10 players at runner-up finish sa Hong Kong Open.

Umakyat siya ng 35 puwesto mula sa world No. 50 noong nakaraang season.

--Ads--

Kabilang sa iba pang nominado sina Marta Kostyuk, Diana Shnaider, Iva Jovic at Sorana Cirstea. Ang pagboto para sa WTA Player Awards ay limitado sa mga miyembro ng media.