--Ads--

Itinanggi ng Malacañang ang pananaw ng ilang ekonomista na pumapasok na sa stagflation ang ekonomiya ng Pilipinas, sa kabila ng mabagal na paglago nito at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa gitna ng epekto ng sigalot sa Middle East.

Una nang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangang mapigilan ang stagflation, lalo na’t naaapektuhan ng krisis ang pandaigdigang suplay at presyo ng langis.

Samantala, inilarawan ng ilang ekonomista ang kalagayan ng bansa bilang stagflation scenario dahil sa pagsabay ng mabagal na paglago ng ekonomiya at mataas na inflation.

--Ads--

Kabilang sa mga nakaaapekto rito ang pagtaas ng gastos sa enerhiya, paghina ng ilang sektor ng ekonomiya at epekto ng tensyon sa Middle East sa presyo ng langis at transportasyon.