--Ads--
Matinding storm ang nanalasa sa ilang bahagi ng United States nitong Thanksgiving, na nagdulot ng malawakang pagbaha, malakas na hangin at pag-ulan ng niyebe.
Halos 900,000 kabahayan at negosyo ang nawalan ng kuryente, habang mahigit 2,200 flights ang naantala at mahigit 400 ang nakansela.
Dahil sa masamang panahon, ipinagpaliban din ang sikat na Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York hanggang Sabado. Ito ang unang pagkakataong naantala ang naturang parade dahil sa lagay ng panahon sa loob ng 100 taon.
Nagbabala naman ang mga awtoridad na mag-ingat sa mga binahang kalsada at patuloy na subaybayan ang weather advisories.
--Ads--





