--Ads--

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ng prosekusyon na muling repasuhin ang pagkakaloob ng piyansa kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa korte, hindi sapat ang ebidensyang umano’y pagtanggap ni Revilla ng pera mula sa mga pribadong kontratista upang patunayan ang malversation dahil hindi ito maituturing na pampublikong pondo.

Ibinasura rin ang kahilingan ng anim na dating opisyal ng DPWH na repasuhin ang pagkakait sa kanila ng piyansa dahil sa matibay umanong ebidensya laban sa kanila.

Gayunman, nilinaw ng korte na ang mga pagtalakay nito sa bail hearings ay hindi pa nangangahulugang napatunayang nagkasala o walang sala ang mga akusado.

--Ads--

Samantala, hindi sumang-ayon si Associate Justice Karl Miranda sa desisyon at iginiit na dapat manatiling nakakulong si Revilla dahil sa umano’y papel nito sa pagsasabwatan upang maisama ang proyekto sa pambansang badyet.