--Ads--
Labing apat na migrants ang nasawi matapos matagpuan sa loob ng isang bangkang may sakay na nasa 100 katao na nasagip malapit sa Canary Islands ng Spain.
Ayon sa Spanish Maritime Rescue Service, anim na iba pa ang isinugod sa ospital dahil sa malubhang kondisyon.
Namataan ang bangka may 72 kilometro sa timog ng isla ng El Hierro.
Samantala, 84 pang migrants mula sa isa pang bangka ang ligtas na nakarating sa naturang isla.
--Ads--
Patuloy namang dumarami ang mga migrants na tumatawid sa Atlantic Ocean mula West Africa patungong Europe sa kabila ng panganib dulot ng malalakas na alon ng karagatan.











