--Ads--

Hindi pa rin malinaw kung saan gaganapin ang Miss Universe 2027 matapos maglabas ng magkaibang anunsyo ang dalawang kampo ng Miss Universe Organization, kung saan unang tinukoy ang Puerto Rico bilang host country habang Vietnam naman ang inihayag ng isa pang grupo.

Samantala, pinuri ni Miss Universe Poland 2026 Vivica Lewandowski si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski matapos ipahiram sa kaniya ang isa sa mga evening gown nito para sa 75th Miss Universe.

Sa kaniyang Instagram Story, nagpasalamat si Lewandowski sa kabutihan ni Bea matapos siyang tulungang makapaghanda sa kompetisyon sa kabila ng maikling panahon.

Ayon kay Lewandowski, hindi na siya nakapagdala ng ekstrang gown dahil dalawang linggo lamang ang inilaan niya sa paghahanda.

--Ads--

Bagama’t hindi nakapasok sa Top 30 si Lewandowski, ibinahagi rin ng designer na si Anthony Ramirez sa social media ang gown na ipinahiram ni Bea.