--Ads--

Todo suporta sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa kanilang anak na si Atasha, na gumaganap bilang Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.

Nagsimula nang mapanood ang musical noong Setyembre 18 sa Newport Performing Arts Theater.

Ayon sa direktor na si Chris Millado, pinaghirapan ni Atasha ang kanyang role sa loob ng mahigit siyam na linggong rehearsal at matagumpay niyang nabigyan ng sariling interpretasyon ang karakter.

Bagama’t ilang beses umano itong na-injure sa rehearsal, nagpatuloy pa rin si Atasha sa kanyang performance.

--Ads--

Pinaalalahanan naman siya nina Aga at Charlene na manatiling matatag, huwag pansinin ang pambabatikos at ipagpatuloy ang kanyang pangarap.