Ipinahayag ni Charlene Gonzalez ang kaniyang pagmamalaki sa patuloy na pag-usbong ng showbiz careers ng kambal na anak nila ni Aga Muhlach na sina Atasha at Andres.
Kamakailan lamang ay nagtapos si Atasha sa musical play na Bongga Ka Day: The Annie Batungbakal Musical, na itinanghal mula Setyembre hanggang Oktubre 2026. Nauna namang naging bahagi si Andres ng Bagets: The Musical mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Aniya, masaya siyang nakikitang nag-e-enjoy ang kaniyang mga anak sa kanilang mga ginagawa.
Ipinagmalaki rin niya ang passion at dedikasyon ni Atasha, gayundin ang pagiging bukas nito sa mga bagong hamon upang mas mapaunlad ang kakayahan bilang artista.
Nagpasalamat din si Charlene sa producer na si Vic del Rosario sa pagtitiwala at pagbibigay ng oportunidad sa kaniyang mga anak.
Samantala, nang matanong kung kailan siya babalik sa showbiz, sinabi ni Charlene na mas nais muna niyang maging taga-suporta at taga-cheer sa kambal.











