--Ads--

Itinanggi ng aktres na si Atasha Muhlach na mayroon silang romantikong relasyon ni Jacob Ang, anak ng negosyanteng si Ramon Ang, at nilinaw na magkaibigan lamang sila.

Diretsahang sinabi ni Atasha na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan.

Ayon kay Atasha, matagal na silang magkaibigan ni Jacob at wala umanong namamagitan sa kanila kahit ilang beses na silang nakitang magkasama.

Binigyang-diin pa ng aktres na super single siya at mas pinagtutuunan muna ng pansin ang kaniyang career.

--Ads--

May mga nakalinya na rin umano siyang proyekto para sa 2027, bagama’t hindi pa niya maaaring ibahagi ang mga detalye nito.

Samantala, nagpahayag din si Atasha ng pasasalamat sa naging tagumpay ng kaniyang unang musical stage play na Bongga Ka Day, The Annie Batungbakal Musical.

Aniya, mas pinili niyang magpokus sa mga positibong bagay at huwag magpaapekto sa mga batikos na natanggap bago pa man siya mapanood sa naturang musical play.