--Ads--
Napili na si Atasha Muhlach bilang bagong bida sa “Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical” na magbubukas sa September 2026 sa Newport Performing Arts Theater.
Kasama niya sa cast sina Sam Concepcion, KD Estrada, Jeff Moses, at Anthony Rosaldo.
Ayon kay Atasha, “full circle moment” ang pagbabalik niya sa teatro kung saan siya unang nag-audition noong 2011. Aniya, excited siya sa hamon ng pagsasabay-sabay ng pag-arte, pagkanta, at pagsayaw sa live stage.
Ayon sa PETA, napili si Atasha dahil sa kanyang charm at angkop siya sa karakter ni Annie Batungbakal. Mahigit 300 ang sumali sa auditions.
--Ads--






