--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang naitatalang pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City COVID-19 Task Force, mula sa 51 na aktibong kaso ng COVID-19 kahapon ay bumaba pa ito 48.

Ito ay matapos makapagtala ng 3 fully recovered mula sa naturang virus.

Nangunguna ngayon sa mga may pinakamaraming aktibong kaso ang barangay Villa Luna na may 10, sinundan ng barangay Minante 1 na may 9, 5 naman ang naitala sa barangay Cabaruan, habang tig-tatatlo sa barangay Maligaya at Tagaran.

--Ads--

Tig-dadalawa naman sa Alicaocao, District 2, District 3, Marabulig 1 at Turayong at tig-iisa ang Baringin Sur, District 2, Guayabal, Mabantad, Nagrumbuan, Rogus, San Fermin at San Isidro.

Hinihikayat pa rin ang publiko na sumunod sa mga panuntunan habang ang lunsod ay nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Magdoble-ingat at magsuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay at obserbahan ang physical distancing.