Patuloy ang pagdagsa ng mga tagahanga kay Filipina tennis star Alex Eala habang nagpapatuloy ang kaniyang kampanya sa Singapore Tennis Open.
Dumagsa ang mga tagasuporta ni Eala sa public Q&A session sa National Stadium, isang araw bago ang kaniyang laban kontra kay Tatiana Prozorova sa round of 16.
Dahil sa dami ng dumalo, inilipat ang venue ng event mula Gate 6 patungo sa Gate 9.
Matapos ang Q&A, nagsagawa rin si Eala ng 30-minutes open practice sa Court 1 kasama ang kaniyang coach mula sa Rafa Nadal Academy na si Sandro Viaene.
Naglaan din ng oras ang world No. 18 para pirmahan ang mga cap, tennis ball at iba pang dala ng kaniyang mga tagahanga.
Samantala, umabante na sa quarterfinals ang top seed na si Mirra Andreeva matapos talunin si Aliaksandra Sasnovich, 6-2, 6-2, habang tinalo naman ni sixth seed Leylah Fernandez si Alycia Parks, 6-4, 6-3.










