--Ads--
Hindi na lalahok si Alex Eala sa Catalonia Open na sinimulan nitong Abril 27 hanggang Mayo 3 sa Spain, batay sa inilabas na draw ng mga organizers.
Pinaniniwalaang pinili ng kanyang team na magpahinga muna upang makapaghanda para sa mas malalaking laban sa clay court season, kabilang ang Italian Open na gaganapin mula Mayo 5 hanggang 17 sa Rome, Italy.
Nais ni Eala na mas pagandahin ang kanyang performance matapos maagang masibak sa Madrid Open, kung saan nakapagtala siya ng panalo sa opening round ngunit natalo sa sumunod na laban sa singles at doubles events.
Inaasahan na gagamitin ng young Filipina tennis star ang break para sa pahinga at mas matinding pagsasanay bago sumabak sa susunod na WTA 1000 tournament.
--Ads--











