--Ads--

Makakaharap ni Filipina tennis star Alex Eala ang reigning Olympic gold medalist na si Zheng Qinwen ng China sa unang round ng singles competition ng Washington DC Open.

Isinagawa ang draw ngayong Linggo kung saan nabunot si Eala laban kay Zheng, isa sa mga kilalang manlalaro sa women’s tennis circuit.

Nakatakdang bumalik sa kompetisyon si Eala matapos ang kanyang makasaysayang kampanya sa Wimbledon kung saan umabot siya sa Round of 16.

Samantala, hindi na sasabak si Eala sa doubles event ng torneo. Una siyang nakatakdang makipagtambal kay seven-time Grand Slam champion Venus Williams, ngunit si Williams ay makakasama na ngayon si Diana Shnaider.

--Ads--

Gaganapin ang Washington DC Open mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2 bilang bahagi ng paghahanda ng mga manlalaro para sa nalalapit na US Open.