Natapos na ang kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa WTA 1000 Madrid Open nitong Sabado ng gabi.
Sa doubles event, nakipagsanib-puwersa si Eala sa Turkish partner na si Zeynep Sonmez, ngunit sila ay tinalo nina American Taylor Townsend at Czech Karolina Siniakova, 6-1, 7-5, sa round of 16.
Hindi rin nagtagal ang laban ni Eala sa singles matapos siyang matalo sa Belgian World No. 21 Elise Mertens, 6-2, 6-1, noong Biyernes ng gabi.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Eala ang kanyang pasasalamat. Ang sunod-sunod na pagkatalo ay nagpatuloy sa hamon ni Eala sa clay courts. Gayunpaman, nakatuon na ngayon ang kanyang atensyon sa Catalonia Open, isang WTA 125 event na gaganapin mula Abril 27 hanggang Mayo 3 sa Club de Tennis La Bisbal Centre Esportiu sa La Bisbal d’Empordà, Spain.










