--Ads--

Nagpatuloy ang impresibong kampanya ni Alex Eala sa Berlin Open matapos niyang talunin ang world no. 8 na si Elina Svitolina sa straight sets, 6-3 at 6-4, upang makapasok sa semifinals ng WTA 500 grass-court tournament.

Malakas ang naging simula ni Eala at agad na nakakuha ng 3-0 kalamangan sa unang set bago ito tuluyang maipanalo sa iskor na 6-3. Sa ikalawang set, muling ipinakita ng Filipina ang kanyang kumpiyansa at tibay upang makuha ang panalo, 6-4.

Dahil sa tagumpay, umabante si Eala sa semifinals kung saan makakaharap niya ang ika-walong seed at world no. 13 na si Linda Noskova.

Samantala, sa nalabas na draw ng Bad Homburg Open, makakatapat ni Eala si Elise Mertens sa singles competition. Sa doubles naman, makakatambal niya ang tennis legend na si Venus Williams laban kina Shuko Aoyama at Liang En-shuo.

--Ads--