Target ni Alex Eala na makapasok sa quarterfinals ng Pan Pacific Open sa Japan sa pakikipagtunggali nito laban sa Australian tennis player na si Talia Gibson.
Ito ang unang paghaharap ng dalawang manlalaro sa WTA Tour-level event, bagama’t dalawang beses na silang nagkaharap sa mga lower-tier tournament ng International Tennis Federation o ITF, kung saan kapwa nagwagi si Eala.
Matagumpay ang naging simula ni Eala sa torneo matapos nitong talunin ang British teenager na si Mika Stojsavljevic sa iskor na 6-1, 6-2 sa round of 32. Samantala, nagwagi rin si Gibson sa kaniyang unang laban kontra kababayang si Daria Kasatkina.
Sakaling malusutan ni Eala si Gibson, inaasahang makakaharap niya sa quarterfinals ang third seed na si Diana Shnaider ng Russia, na kamakailan lamang ay tumalo sa Pilipina sa Ningbo Open.










