--Ads--

Umarangkada sa second round ng 2026 Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos talunin ang British wildcard na si Mika Stojsavljevic, 6-1, 6-2, nitong Lunes.

Nakuha ni Eala, na ikawalong seed sa torneo, ang panalo sa loob lamang ng isang oras at 15 minuto matapos dominahin ang laro at magpakita ng agresibong estratehiya laban sa 17-anyos na si Stojsavljevic.

Sa susunod na round, makakaharap ni Eala ang Australian tennis player na si Talia Gibson, na ika-38 sa world rankings, matapos nitong talunin si Daria Kasatkina.

Samantala, hindi na makalalahok si Eala sa doubles event matapos umatras ang kaniyang American partner na si Desirae Krawczyk dahil sa problema sa likod.

--Ads--