--Ads--
Naiuwi ni Alexandria Enriquez ang silver medal para sa Pilipinas sa women’s 63kg jiu-jitsu event sa 2026 Asian Games sa Japan ngayong Sabado.
Nabigo si Enriquez kontra kay Orapa Senatham ng Thailand sa finals matapos matalo sa pamamagitan ng advantages.
Bago ang finals, tinalo ni Enriquez sina Dania Obaid ng Palestine, Marian Zhuravleva ng Kazakhstan at Narankhishig Baasanjargal ng Mongolia, lahat sa pamamagitan ng submission.
Samantala, nabigo naman si Andrea Lao na makuha ang bronze matapos talunin ni Baasanjargal ng Mongolia sa bronze medal match.
--Ads--
Sa ngayon, may apat na gold, siyam na silver at 16 na bronze medals na ang Pilipinas sa Asian Games.











